Sabado, Agosto 20, 2011



Naisipan ko lang magsulat ngayon. Sa tingin ko kasi, sa pagsusulat mailalabas ko ang damdamin ko, ang nararamdaman ko ngayon. Gumawa pa ako ng blog para masubukan ko rin. First time ko, hindi naman talaga kasi ako mahilig sa mga ganto kahit noon. Hindi ko nilagyan ng kung ano-ano. Plain and simple, tutal first time ko lang naman. Hindi ko rin balak ikalat ito o i-post sa wall ng facebook ko. Kung may makabasa, eh di meron, hindi naman nila alam kung sino ako eh. 

Tuwing nag-iisa ako at siya ang naiisip ko, walang sawa kong binabalikan ang nakaraan. Bumabalik din kasi ang mga damdaming mismong naramdaman ko sa mga nagdaang araw, buwan at taon. 

Naalala ko, nung una pa lang kami, nung bata pa lang kami... halos araw-araw akong nakangiti. Ang gaan-gaan ng araw ko palagi pag magkatext, magkausap, magkasama kami. Inlove na inlove, kinikilig, napapatili, kumakanta lagi ng love songs at kapag nakikita ko ang sarili ko sa salamin, feeling ko ang ganda-ganda ko. Basta the best, parang ako na yata ang pinakamasayang babae sa mundo. Kahit naman sigurong babae ganto pag tinamaan. 

Pero hindi maiiwasan ang problema, ang mga problema sa isang relasyon. Dumating yung araw na pakiramdam ko hindi lang talaga ako. Masakit na masakit, sobrang sakit... hindi ko kasi naiisip yun pag kaming dalawa, siya lang ang mundo ko pag kasama ko siya, wala ng iba. Ang bigat sa pakiramdam kaya't buo ang loob ko nun na itinigil na ayoko na kasi masaktan. Matapang pa ako nun sa totoo lang, ayoko pang umiyak, ayoko pang ipakita sa lahat na nasaktan ako. Nakita ko ang sarili kong ipinagtuloy pa rin ang buhay, parang walang nangyari. Ngunit sa una lang pala ang lahat, pagkaraan ng isang buwan.. hinahanap ko siya. Namimiss ko siya. Hindi ko alam kung bakit biglang ganun yung naramdaman ko. Kung tutuusin dapat malapit na ako sa salitang moved-on pero hindi. Sa mga oras na yun, hindi ko talaga alam kung kamusta na siya, kung may bago na ba, kung tapos na rin ba sakanya talaga, wala akong halos balita. Pero hiniling ko na sana maging masaya na lang kami sa kanya-kanyang buhay namin. Ganun naman talaga kapag tunay kang nagmamahal, gusto mong maging masaya siya kahit na wala ka.

Pinipigilan ko ang sarili ko sa kabila ng nararamdaman ko sa kanya. Araw-araw sinusubukan ko siyang hindi isipin, alalahanin. Ayokong naririnig ang pangalan niya sa totoo lang. Sinabi ko na sa sarili kong, "Hindi na, tama na, tapos na!" Pero pagkakataon nga naman, naibalik ang komunikasyon naming dalawa. Sabi ko ayoko na diba pero ayun nagkamustahan at nagkakwentuhan na naman. Hindi ko mapigilang hindi siya pansinin, gustong-gusto ko dahil meron pa talaga. Hanggang sa isang hapon, nagkausap kami tungkol sa aming dalawa. "Bakit hindi natin subukan ulit?" sabi niya. Hindi ko na niloko ang sarili ko nun, sinabi ko na ring mahal ko pa rin naman siya dahil yun ang totoo. Mahal na mahal pa namin ang isa't isa, naramdaman ko yun. Hindi nagbago ang pagmamahal namin sa isa't isa.

3 buwan din ang nawala samin at hindi madaling ibalik ang lahat. Kailangan ng oras at extra effort para magbalik kami sa dati. Maingat ang mga paguusap dahil ayaw namin mapunta sa awayan at tampuhan agad. Pasensya sa isa't isa, walang sawang pag-intindi. Hindi naman kami nabigo dahil sa pagmamahal na meron kami para sa isa't isa. Sabi ko sa sarili ko, "Ayoko ng mawala siya ulit." Hangga't kaya pang pagusapan, ayusin, walang ititigil. Walang susuko, hindi kami susuko.

Itutuloy.........

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento